Josue 17

May ibinigay din na mga lupain para sa kalahating lahi ni Manases, na panganay na anak ni Jose. Ang Gilead at ang Bashan sa silangan ng Ilog Jordan ay ibinigay kay Maquir dahil mabuti siyang sundalo. (Si Maquir ang panganay na anak ni Manases at ang ama ni Gilead.)

Joshua 17:1 (UKJV) There was also a lot for the tribe of Manasseh; for he was the firstborn of Joseph; to know, for Machir the firstborn of Manasseh, the father of Gilead: because he was a man of war, therefore he had Gilead and Bashan.

1May ibinigay din na mga lupain para sa kalahating lahi ni Manases, na panganay na anak ni Jose. Ang Gilead at ang Bashan sa silangan ng Ilog Jordan ay ibinigay kay Maquir dahil mabuti siyang sundalo. (Si Maquir ang panganay na anak ni Manases at ang ama ni Gilead.)

2Ang lupain sa kanluran ng Jordan ay ibinigay sa ibang mga lahi ni Manases: ang mga sambahayan nina Abiezer, Helek, Asriel, Shekem, Hefer at Shemida. Sila ang mga lalaking anak ni Manases na anak ni Jose, at mga pinuno ng kani-kanilang angkan.

3Ngayon, may isang tao na ang pangalan ay si Zelofehad. Anak siya ni Hefer at apo ni Gilead. Si Gilead ay anak ni Maquir, at si Maquir ay anak ni Manases. Si Zelofehad ay walang anak na lalaki kundi mga babae lang. Silaʼy sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.