10Ang lupain sa timog ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim at ang lupain sa hilaga ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Manases. Ang hangganan ng lupain ng lahi ni Manases sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo. Ang nasa hilaga ng lahi ni Manases ay ng lahi ni Asher, at ang nasa silangan ay ng lahi ni Isacar.
11Ito ang mga bayan sa lupain ng lahi nina Isacar at Asher na ibinigay sa lahi ni Manases: ang Bet-sean, Ibleam, Dor (na tinatawag ding Nafot-dor), Endor, Taanac, Megido at ang mga bayan sa paligid nito.
12Ngunit hindi naangkin ng mga lahi ni Manases ang mga bayan na ito dahil hindi nila mapaalis ang mga Cananeo roon.
13Ngunit nang matatag na ang mga Israelita, inalipin nila ang mga Cananeo, pero hindi nila itinaboy nang lubusan ang mga ito.
14Sinabi ng mga lahi ni Jose kay Josue, “Bakit isang bahagi lang ng lupain ang ibinigay mo sa amin? Napakarami namin dahil pinagpala talaga kami ng Panginoon.”