8(Ang mga lupain sa paligid ng Tapua ay pagmamay-ari ng lahi ni Manases, pero ang Tapua, na nasa hangganan ng lupain ni Manases ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim.)
9Tumuloy ito sa hangganan na papunta sa Lambak ng Kana. Sa timog ng lambak na ito ay may mga bayan na pagmamay-ari ng lahi ni Efraim, kahit na kasama ito sa mga bayan ng lahi ni Manases. Ang hangganan ng lahi ni Manases ay patuloy sa hilaga ng lambak hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
10Ang lupain sa timog ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim at ang lupain sa hilaga ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Manases. Ang hangganan ng lupain ng lahi ni Manases sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo. Ang nasa hilaga ng lahi ni Manases ay ng lahi ni Asher, at ang nasa silangan ay ng lahi ni Isacar.
11Ito ang mga bayan sa lupain ng lahi nina Isacar at Asher na ibinigay sa lahi ni Manases: ang Bet-sean, Ibleam, Dor (na tinatawag ding Nafot-dor), Endor, Taanac, Megido at ang mga bayan sa paligid nito.
12Ngunit hindi naangkin ng mga lahi ni Manases ang mga bayan na ito dahil hindi nila mapaalis ang mga Cananeo roon.