Josue 17

(Ang mga lupain sa paligid ng Tapua ay pagmamay-ari ng lahi ni Manases, pero ang Tapua, na nasa hangganan ng lupain ni Manases ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim.)

Joshua 17:8 (UKJV) Now Manasseh had the land of Tappuah: but Tappuah on the border of Manasseh belonged to the children of Ephraim;

6dahil binigyan din ng bahagi ang mga kalahing babae kagaya ng mga kalahi niyang lalaki. Ang Gilead ay ibinigay sa iba pang lahi ni Manases.

7Ang hangganan ng lupain ng lahi ni Manases ay nagmula sa Aser hanggang sa Micmetat, sa silangan ng Shekem papuntang timog sa lupain ng mga nakatira malapit sa bukal ng Tapua.

8(Ang mga lupain sa paligid ng Tapua ay pagmamay-ari ng lahi ni Manases, pero ang Tapua, na nasa hangganan ng lupain ni Manases ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim.)

9Tumuloy ito sa hangganan na papunta sa Lambak ng Kana. Sa timog ng lambak na ito ay may mga bayan na pagmamay-ari ng lahi ni Efraim, kahit na kasama ito sa mga bayan ng lahi ni Manases. Ang hangganan ng lahi ni Manases ay patuloy sa hilaga ng lambak hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.

10Ang lupain sa timog ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Efraim at ang lupain sa hilaga ng ilog ay pagmamay-ari ng lahi ni Manases. Ang hangganan ng lupain ng lahi ni Manases sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo. Ang nasa hilaga ng lahi ni Manases ay ng lahi ni Asher, at ang nasa silangan ay ng lahi ni Isacar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.