15Ang hangganan sa timog ay magmumula sa hangganan ng Kiriat-jearim. Mula roon, papunta ito sa kanluran sa mga bukal ng Neftoa.
16Pababa ito sa paanan ng bundok na nakaharap sa Lambak ng Ben-hinom. Ang lambak na ito ay nasa hilaga ng Lambak ng Refaim. Mula roon, papunta ito sa Lambak ng Hinom, sa timog na ng lungsod ng mga Jebuseo, pababa sa En-rogel.
17Paliko agad ito pahilaga papuntang En-semes, hanggang sa Gelilot na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim. Pagkatapos, pababa ito sa Bato ni Bohan na anak ni Ruben
18at dumaraan sa hilagang libis na nakaharap sa Kapatagan ng Jordan pababa sa Lambak mismo.
19Pagkatapos, papunta ito sa hilagang libis ng Bet-hogla, at nagtapos ito sa hilagang daanan ng tubig ng Dagat na Patay, na siyang hangganan ng Ilog Jordan sa timog. Ito ang hangganan sa timog.