17Paliko agad ito pahilaga papuntang En-semes, hanggang sa Gelilot na nakaharap sa Daang Paahon ng Adumim. Pagkatapos, pababa ito sa Bato ni Bohan na anak ni Ruben
18at dumaraan sa hilagang libis na nakaharap sa Kapatagan ng Jordan pababa sa Lambak mismo.
19Pagkatapos, papunta ito sa hilagang libis ng Bet-hogla, at nagtapos ito sa hilagang daanan ng tubig ng Dagat na Patay, na siyang hangganan ng Ilog Jordan sa timog. Ito ang hangganan sa timog.
20Ang Ilog Jordan ay ang hangganan sa silangan. Iyon ang mga hangganan ng lupaing natanggap ng lahi ni Benjamin bilang kanilang mana ayon sa bawat sambahayan.
21Ito ang mga lungsod na ibinigay sa lahi ni Benjamin na hinati ayon sa bawat sambahayan: Jerico, Bet-hogla, Emek-keziz,