Josue 18

May pito pang lahi ng mga Israelita na hindi pa nakatanggap ng kanilang bahagi sa lupain.

Joshua 18:2 (UKJV) And there remained among the children of Israel seven tribes, which had not yet received their inheritance.

1Nang matapos nilang sakupin ang lupain, nagtipon ang buong mamamayan ng Israelita sa Silo, at itinayo ang Toldang Tipanan.

2May pito pang lahi ng mga Israelita na hindi pa nakatanggap ng kanilang bahagi sa lupain.

3Kaya sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Kailan nʼyo pa ba sasakupin ang natirang lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng mga ninuno nʼyo?

4Pumili kayo ng tatlong tao sa bawat lahi. Papupuntahin ko sila para suriin ang natirang lupain. Pagkatapos, babalik sila sa akin na may dalang mapa na ginawa nila na nagpapakita kung papaano hahatiin ang lupaing iyon na magiging mana ng bawat lahi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.