22Ang hangganan ng lupain ay umaabot sa Tabor, Sahazuma at sa Bet-semes at nagtatapos sa Ilog Jordan; labing-anim na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
23Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Isacar bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.
24Ang ikalimang binigyan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Asher.
25Ito ang mga bayan na sakop nila: Helkat, Hali, Beten, Acsaf,
26Alamelec, Amad at Mishal. Ang hangganan nitong lupain sa kanluran ay umaabot sa Carmel at Shihor Libnat,