44Elteke, Gibeton, Baalat,
45Jehud, Bene-berak, Gat-rimon,
46Me Jarkon at Rakon, pati rin ang lupain na nakaharap sa Joppa.
47Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Lesem at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.
48Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.