Josue 19

Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Joshua 19:48 (UKJV) This is the inheritance of the tribe of the children of Dan according to their families, these cities with their villages.

46Me Jarkon at Rakon, pati rin ang lupain na nakaharap sa Joppa.

47Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Lesem at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.

48Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan bilang mana nila na hinati ayon sa bawat sambahayan.

49Pagkatapos hatiin ng mga Israelita ang lupain nila, binigyan nila si Josue na anak ni Nun ng bahagi niya.

50Ayon sa iniutos ng Panginoon, ibinigay nila sa kanya ang bayan na hinihiling niya – ang Timnat Sera sa kabundukan ng Efraim. Ipinatayo niyang muli ang bayan at doon tumira.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.