Josue 2

Pagkatapos, lihim na nagpadala si Josue na anak ni Nun ng dalawang tao mula sa kampo ng mga Israelita sa Shitim para magmanman sa lupain ng Canaan, lalung-lalo na sa lungsod ng Jerico. Nang makarating ang dalawang espiya sa Jerico, nakituloy sila sa bahay ni Rahab na isang babaeng bayaran.

Joshua 2:1 (UKJV) And Joshua the son of Nun sent out of Shittim two men to spy secretly, saying, Go view the land, even Jericho. And they went, and came into an harlot's house, named Rahab, and lodged there.

1Pagkatapos, lihim na nagpadala si Josue na anak ni Nun ng dalawang tao mula sa kampo ng mga Israelita sa Shitim para magmanman sa lupain ng Canaan, lalung-lalo na sa lungsod ng Jerico. Nang makarating ang dalawang espiya sa Jerico, nakituloy sila sa bahay ni Rahab na isang babaeng bayaran.

2Nabalitaan ng hari ng Jerico na may dumating na mga Israelita nang gabing iyon para magmanman sa kanila.

3Kaya nagpadala ng mensahe ang hari ng Jerico kay Rahab, na nagsasabi: “Palabasin mo ang mga taong nakituloy sa bahay mo, dahil nandito sila para mag-espiya sa lupain natin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.