Josue 20

Ang taong nakapatay nang hindi sinasadya ay maaaring tumakas roon sa tanggulan at magtago mula sa mga taong gustong gumanti sa kanya.

Joshua 20:3 (UKJV) That the slayer that kills any person unexpectedly and unwittingly may flee thither: and they shall be your refuge from the avenger of blood.

1At sinabi ng Panginoon kay Josue,

2“Sabihin mo sa mga Israelita na pumili sila ng mga lungsod na tanggulan ayon sa sinabi ko noon sa inyo sa pamamagitan ni Moises.

3Ang taong nakapatay nang hindi sinasadya ay maaaring tumakas roon sa tanggulan at magtago mula sa mga taong gustong gumanti sa kanya.

4Maaari siyang magtago sa isa sa mga lungsod na ito. Haharap siya sa tagapamahala na naroon sa pintuan ng lungsod at magpapaliwanag tungkol sa nangyari. Pagkatapos, papapasukin siya at doon patitirahin.

5Kung hahabulin siya roon ng gustong gumanti sa kanya, hindi siya ibibigay ng mga naninirahan doon. Kakampihan nila siya dahil hindi niya sinadya ang pagpatay sa kanyang kapwa, at napatay niya ito hindi dahil sa kanyang galit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.