11Ibinigay sa kanila ang Kiriat-arba (na siyang Hebron), sa kabundukan ng Juda, kasama na ang mga pastulan sa paligid nito. (Si Arba ang ama ni Anak).
12Ngunit ang mga bukirin ng lungsod at ang mga baryo sa paligid nito ay ibinigay na kay Caleb na anak ni Jefune bilang bahagi niya.
13Kaya ibinigay sa mga angkan ng paring si Aaron ang Hebron na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya. Ibinigay din sa kanila ang Libna,
14Jatir, Estemoa,
15Holon, Debir,