25At mula naman sa lupain ng kalahating lahi ni Manases sa kanluran, natanggap nila ang dalawang bayan: ang Taanac at Gat-rimon, kasama ang mga pastulan ng nito. Ang natanggap ng ibang mga angkan ni Kohat ay sampung bayan lahat, kasama ang mga pastulan nito.
27Ang mga angkan ni Gerson na mga Levita ay nakatanggap ng dalawang bayan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manases sa silangan. Ito ay ang Golan sa Bashan (na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya) at ang Beestera, kasama ang mga pastulan nito.
28Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Isacar. Ito ay ang Kision, Daberat, Jarmut, En-ganim, kasama ang mga pastulan nito.