27Ang mga angkan ni Gerson na mga Levita ay nakatanggap ng dalawang bayan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manases sa silangan. Ito ay ang Golan sa Bashan (na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya) at ang Beestera, kasama ang mga pastulan nito.
28Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Isacar. Ito ay ang Kision, Daberat, Jarmut, En-ganim, kasama ang mga pastulan nito.
30At mula sa lupain ng lahi ni Asher, natanggap nila ang apat na bayan: ang Mishal, Abdon, Helkat at Rehob, kasama ang mga pastulan nito.