30At mula sa lupain ng lahi ni Asher, natanggap nila ang apat na bayan: ang Mishal, Abdon, Helkat at Rehob, kasama ang mga pastulan nito.
32Binigyan pa sila ng tatlong bayan mula sa lupain ng lahi ni Neftali. Ito ay ang Kedes sa Galilea (isa ito sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya), ang Hamot-dor at ang Kartan kasama ang mga pastulan nito. Ang natanggap ng mga angkan ni Gerson ay labintatlong bayan lahat, kasama ang mga pastulan nito.
34Ang mga natirang Levita – ang mga angkan ni Merari – ay nakatanggap ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Zebulun. Ito ay ang Jocneam, Carta, Dimna at Nahalal kasama ang mga pastulan nito.