Josue 21

Ang mga natirang Levita – ang mga angkan ni Merari – ay nakatanggap ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Zebulun. Ito ay ang Jocneam, Carta, Dimna at Nahalal kasama ang mga pastulan nito.

Joshua 21:34 (UKJV) And unto the families of the children of Merari, the rest of the Levites, out of the tribe of Zebulun, Jokneam with her suburbs, and Kartah with her suburbs,

32Binigyan pa sila ng tatlong bayan mula sa lupain ng lahi ni Neftali. Ito ay ang Kedes sa Galilea (isa ito sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya), ang Hamot-dor at ang Kartan kasama ang mga pastulan nito. Ang natanggap ng mga angkan ni Gerson ay labintatlong bayan lahat, kasama ang mga pastulan nito.

34Ang mga natirang Levita – ang mga angkan ni Merari – ay nakatanggap ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Zebulun. Ito ay ang Jocneam, Carta, Dimna at Nahalal kasama ang mga pastulan nito.

36Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Ruben. Ito ay ang Bezer, Jahaz, Kedemot at Mefaat, kasama ang mga pastulan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.