38Binigyan din sila ng apat na bayan mula sa lupain ng lahi ni Gad. Ito ay ang Ramot sa Gilead (na isa sa mga lungsod na tanggulan, kung saan makakapagtago ang taong nakapatay nang hindi sinasadya), ang Mahanaim, Hesbon at Jazer, kasama ang mga pastulan nito.
40Ang natanggap ng mga angkan ni Merari na Levita ay labindalawang bayan lahat kasama ang mga pastulan nito.
41Ang natanggap ng mga Levita na mula sa lupain na pagmamay-ari ng mga Israelita ay 48 bayan lahat, kasama ang kani-kanilang pastulan.