Josue 24

Binigyan ko kayo ng lupaing hindi nʼyo pinaghirapan. Pinatira ko kayo sa mga lungsod na hindi kayo ang nagtatag. Kumakain kayo ngayon ng mga ubas at mga olibo na hindi kayo ang nagtanim.’

Joshua 24:13 (UKJV) And I have given you a land for which all of you did not labour, and cities which all of you built not, and all of you dwell in them; of the vineyards and olive yards which all of you planted not do all of you eat.

11“ ‘Pagkatapos, tumawid kayo sa Ilog Jordan at nakarating sa Jerico. Nakipaglaban sa inyo ang mga taga-Jerico, ganoon din ang mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heteo, Gergeseo, Heveo at Jebuseo. Pinagtagumpay ko kayo laban sa kanila.

12Pinadalhan ko ng mga putakti ang dalawang haring Amoreo para itaboy sila bago pa kayo dumating. Nanalo kayo hindi dahil sa inyong mga espada at pana.

13Binigyan ko kayo ng lupaing hindi nʼyo pinaghirapan. Pinatira ko kayo sa mga lungsod na hindi kayo ang nagtatag. Kumakain kayo ngayon ng mga ubas at mga olibo na hindi kayo ang nagtanim.’

14“Kaya ngayon, igalang nʼyo ang Panginoon at paglingkuran nang may katapatan. Itakwil na ninyo ang mga diyos-diyosang sinasamba noon ng mga ninuno ninyo sa kabila ng Ilog Eufrates at sa Ehipto, at sa halip ay maglingkod kayo sa Panginoon.

15Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.