Josue 24

Pinadalhan ko ng mga putakti ang dalawang haring Amoreo para itaboy sila bago pa kayo dumating. Nanalo kayo hindi dahil sa inyong mga espada at pana.

Joshua 24:12 (UKJV) And I sent the hornet before you, which drove them out from before you, even the two kings of the Amorites; but not with your sword, nor with your bow.

10Ngunit hindi ko pinahintulutan si Balaam na gawin ito sa inyo. Sa halip, binasbasan kayo ni Balaam, at iniligtas ko kayo sa kamay ni Balak.

11“ ‘Pagkatapos, tumawid kayo sa Ilog Jordan at nakarating sa Jerico. Nakipaglaban sa inyo ang mga taga-Jerico, ganoon din ang mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heteo, Gergeseo, Heveo at Jebuseo. Pinagtagumpay ko kayo laban sa kanila.

12Pinadalhan ko ng mga putakti ang dalawang haring Amoreo para itaboy sila bago pa kayo dumating. Nanalo kayo hindi dahil sa inyong mga espada at pana.

13Binigyan ko kayo ng lupaing hindi nʼyo pinaghirapan. Pinatira ko kayo sa mga lungsod na hindi kayo ang nagtatag. Kumakain kayo ngayon ng mga ubas at mga olibo na hindi kayo ang nagtanim.’

14“Kaya ngayon, igalang nʼyo ang Panginoon at paglingkuran nang may katapatan. Itakwil na ninyo ang mga diyos-diyosang sinasamba noon ng mga ninuno ninyo sa kabila ng Ilog Eufrates at sa Ehipto, at sa halip ay maglingkod kayo sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.