11Nang makatawid na silang lahat, itinawid din ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. At nauna ulit ang mga pari sa mga tao.
12Tumawid din at nauna sa mga tao ang mga lalaking armado na mula sa lahi nina Ruben, Gad at kalahating lahi ni Manases, ayon sa iniutos ni Moises sa kanila.
13Nasa apatnapung libo ang bilang ng mga armadong kalalakihang tumawid at pumunta sa Kapatagan ng Jerico para makipaglaban, kasama nila ang presensya ng Panginoon.
14Nang araw na iyon, pinarangalan ng Panginoon si Josue sa harap ng mga Israelita. At iginalang si Josue ng mga tao sa buong buhay niya gaya ng paggalang ng mga tao kay Moises.
15Nauna nang sinabi ng Panginoon kay Josue,