Josue 4

Tumawid din at nauna sa mga tao ang mga lalaking armado na mula sa lahi nina Ruben, Gad at kalahating lahi ni Manases, ayon sa iniutos ni Moises sa kanila.

Joshua 4:12 (UKJV) And the children of Reuben, and the children of Gad, and half the tribe of Manasseh, passed over armed before the children of Israel, as Moses spoke unto them:

10Nanatiling nakatayo sa gitna ng ilog Jordan ang mga paring may dala ng Kahon hanggang sa matapos ang lahat ng iniutos ng Panginoon na siya ring iniutos ni Moises kay Josue. At ang mga Israelita ay mabilis na tumawid sa kabilang ibayo.

11Nang makatawid na silang lahat, itinawid din ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. At nauna ulit ang mga pari sa mga tao.

12Tumawid din at nauna sa mga tao ang mga lalaking armado na mula sa lahi nina Ruben, Gad at kalahating lahi ni Manases, ayon sa iniutos ni Moises sa kanila.

13Nasa apatnapung libo ang bilang ng mga armadong kalalakihang tumawid at pumunta sa Kapatagan ng Jerico para makipaglaban, kasama nila ang presensya ng Panginoon.

14Nang araw na iyon, pinarangalan ng Panginoon si Josue sa harap ng mga Israelita. At iginalang si Josue ng mga tao sa buong buhay niya gaya ng paggalang ng mga tao kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.