14Nang araw na iyon, pinarangalan ng Panginoon si Josue sa harap ng mga Israelita. At iginalang si Josue ng mga tao sa buong buhay niya gaya ng paggalang ng mga tao kay Moises.
15Nauna nang sinabi ng Panginoon kay Josue,
16“Utusan mo ang mga paring may dala ng Kahon ng Kasunduan, na umahon na sila sa ilog.”
17At sinunod iyon ni Josue.
18Kaya umahon ang mga pari na dala ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. At pagtapak nila sa pampang, dumaloy ulit ang tubig at umapaw gaya ng dati.