Josue 4

Sabihin nʼyo sa kanila na pinatuyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Ilog Jordan hanggang sa makatawid kayo, gaya ng ginawa niya sa Dagat na Pula hanggang sa makatawid tayo.

Joshua 4:23 (UKJV) For the LORD your God dried up the waters of Jordan from before you, until all of you were passed over, as the LORD your God did to the Red sea, which he dried up from before us, until we were gone over:

21Sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Sa darating na panahon, kapag nagtanong sa inyo ang mga anak nʼyo kung anong ibig sabihin ng mga batong ito,

22sabihin nʼyo na lumakad sa tuyong lupa ang mga Israelita nang tumawid sila sa Ilog Jordan.

23Sabihin nʼyo sa kanila na pinatuyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Ilog Jordan hanggang sa makatawid kayo, gaya ng ginawa niya sa Dagat na Pula hanggang sa makatawid tayo.

24Ginawa niya ito para kilalanin ng lahat ng mga tao sa mundo na makapangyarihan ang Panginoon at upang lagi kayong magkaroon ng takot sa Panginoon na inyong Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.