Josue 4

Sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Sa darating na panahon, kapag nagtanong sa inyo ang mga anak nʼyo kung anong ibig sabihin ng mga batong ito,

Joshua 4:21 (UKJV) And he spoke unto the children of Israel, saying, When your children shall ask their fathers in time to come, saying, What mean these stones?

19Ang pagtawid ng mga Israelita sa Ilog Jordan ay nangyari nang ikasampung araw ng unang buwan. Pagkatapos, nagkampo ang mga Israelita sa Gilgal, sa gawing silangan ng Jerico.

20Doon ipinalagay ni Josue ang labindalawang bato na ipinakuha niya sa Ilog Jordan.

21Sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Sa darating na panahon, kapag nagtanong sa inyo ang mga anak nʼyo kung anong ibig sabihin ng mga batong ito,

22sabihin nʼyo na lumakad sa tuyong lupa ang mga Israelita nang tumawid sila sa Ilog Jordan.

23Sabihin nʼyo sa kanila na pinatuyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Ilog Jordan hanggang sa makatawid kayo, gaya ng ginawa niya sa Dagat na Pula hanggang sa makatawid tayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.