10Ngunit sinabi ni Josue sa mga sundalo na huwag sumigaw o kayaʼy mag-ingay hanggaʼt hindi pa niya iniuutos na sumigaw.
11Ayon sa iniutos ni Josue, iniikot nila sa lungsod ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon ng isang beses. Pagkatapos, bumalik sila sa kampo nila at doon natulog kinagabihan.
12Kinaumagahan, maagang bumangon si Josue. Muling dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon,
13at ang pitong pari namang nagpapatunog ng trumpeta ay nasa unahan ng mga paring may dala ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Ang mga sundalo – ang iba sa kanila ay nasa unahan ng Kahon ng Kasunduan at ang ibaʼy nasa hulihan, habang patuloy na pinapatunog ang mga trumpeta.
14Nang ikalawang araw, inikot nila ulit ang lungsod ng isang beses, at pagkatapos, bumalik sila sa kampo nila. Ganoon ang ginawa nila sa loob ng anim na araw.