6Kaya tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga pari at sinabi sa mga ito, “Dalhin nʼyo ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Mauuna ang pito sa inyo na may dalang trumpeta ang bawat isa.”
7At sinabi rin niya sa mga sundalo, “Lumakad na kayo! Ikutin nʼyo ang lungsod. Ang iba sa inyo ay mauuna sa mga paring may dala ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.”
8Ayon sa sinabi ni Josue, nauna ang pitong pari sa Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at pinatunog nila ang mga trumpeta nila.
9Ang ibang mga sundalo ay nauuna sa mga pari, at may iba pang sumusunod sa Kahon ng Kasunduan. Walang hinto ang pagtunog ng mga trumpeta.
10Ngunit sinabi ni Josue sa mga sundalo na huwag sumigaw o kayaʼy mag-ingay hanggaʼt hindi pa niya iniuutos na sumigaw.