14Nang makita ng hari ng Ai sina Josue, maaga paʼy agad-agad na siyang lumabas sa lungsod kasama ang mga tauhan niya, at pumunta sa lugar na nakaharap sa Kapatagan ng Jordan para makipaglaban sa Israel. Hindi nila alam na may lulusob sa kanila galing sa likod ng lungsod.
15Si Josue at ang lahat ng mga kasama niya ay nagkunwaring natalo, at tumakas papuntang ilang.
16Kaya hinabol silang lahat ng kalalakihan ng Ai hanggang sa nailayo na nila ang mga ito sa lungsod.
17Lahat ng kalalakihan sa Ai at Betel ay humabol sa mga Israelita, kaya walang naiwan para ipagtanggol ang lungsod.
18Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Ituro mo ang sibat mo sa Ai dahil ipapasakamay ko sa inyo ang lungsod na ito.” Kaya itinuro ni Josue ang sibat niya sa Ai.