Josue 8

Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Ituro mo ang sibat mo sa Ai dahil ipapasakamay ko sa inyo ang lungsod na ito.” Kaya itinuro ni Josue ang sibat niya sa Ai.

Joshua 8:18 (UKJV) And the LORD said unto Joshua, Stretch out the spear that is in your hand toward Ai; for I will give it into yours hand. And Joshua stretched out the spear that he had in his hand toward the city.

16Kaya hinabol silang lahat ng kalalakihan ng Ai hanggang sa nailayo na nila ang mga ito sa lungsod.

17Lahat ng kalalakihan sa Ai at Betel ay humabol sa mga Israelita, kaya walang naiwan para ipagtanggol ang lungsod.

18Sinabi ng Panginoon kay Josue, “Ituro mo ang sibat mo sa Ai dahil ipapasakamay ko sa inyo ang lungsod na ito.” Kaya itinuro ni Josue ang sibat niya sa Ai.

19Nang ginawa niya iyon, lumabas at nagsitakbo ang mga tauhan niyang nananambang sa bayan, lumusob sila papasok sa lungsod, at dali-daling sinunog ito.

20Nang lumingon ang mga taga-Ai, nakita nila ang makapal na usok sa ibabaw ng lungsod. Wala na silang matatakbuhan, dahil bigla na lang silang hinarap ng mga Israelita na hinahabol nila sa ilang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.