16Pagkalipas ng tatlong araw pagkatapos pagtibayin ang kasunduan, nabalitaan ng mga Israelita na malapit lang pala sa kanila ang tinitirhan ng mga taong iyon.
17Kaya umalis ang mga Israelita, at matapos ang tatlong araw, nakarating sila sa mga lungsod na tinitirhan ng mga taong iyon. Itoʼy ang mga lungsod ng Gibeon, Quefira, Beerot at Kiriat-jearim.
18Ngunit hindi sila nilusob ng mga Israelita dahil may sinumpaan silang kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel. Nagreklamo ang mga Israelita sa mga pinuno nila,
19pero sumagot ang lahat ng pinuno, “May sinumpaan na tayo sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, kaya ngayon ay hindi natin sila puwedeng galawin.
20Ganito ang gagawin natin: Hindi natin sila papatayin dahil baka parusahan tayo ng Diyos kapag sinira natin ang sumpaan natin sa kanila.