Josue 9

pero sumagot ang lahat ng pinuno, “May sinumpaan na tayo sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, kaya ngayon ay hindi natin sila puwedeng galawin.

Joshua 9:19 (UKJV) But all the princes said unto all the congregation, We have sworn unto them by the LORD God of Israel: now therefore we may not touch them.

17Kaya umalis ang mga Israelita, at matapos ang tatlong araw, nakarating sila sa mga lungsod na tinitirhan ng mga taong iyon. Itoʼy ang mga lungsod ng Gibeon, Quefira, Beerot at Kiriat-jearim.

18Ngunit hindi sila nilusob ng mga Israelita dahil may sinumpaan silang kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel. Nagreklamo ang mga Israelita sa mga pinuno nila,

19pero sumagot ang lahat ng pinuno, “May sinumpaan na tayo sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, kaya ngayon ay hindi natin sila puwedeng galawin.

20Ganito ang gagawin natin: Hindi natin sila papatayin dahil baka parusahan tayo ng Diyos kapag sinira natin ang sumpaan natin sa kanila.

21Pabayaan natin silang mabuhay, pero gawin natin silang tagapangahoy at tagaigib ng buong mamamayan.” At ganito nga ang nangyari sa mga taga-Gibeon ayon sa sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.