1Narinig ng lahat ng hari sa kanluran ng Jordan ang tagumpay ng mga Israelita. (Ito ay ang mga hari ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo, at mga Jebuseo.) Nakatira sila sa mga kabundukan, kaburulan sa kanluran at sa baybayin ng Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Lebanon.
2Nagtipon silang lahat para makipaglaban kay Josue at sa Israel.
3Ngunit nang marinig ng mga taga-Gibeon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai,
4naghanap sila ng paraan para lokohin si Josue. Nagpadala sila ng mga tao kay Josue, ang mga asno nilaʼy may mga kargang lumang sako at mga sisidlang-balat ng alak na sira-sira at tagpi-tagpi.