20Ganito ang gagawin natin: Hindi natin sila papatayin dahil baka parusahan tayo ng Diyos kapag sinira natin ang sumpaan natin sa kanila.
21Pabayaan natin silang mabuhay, pero gawin natin silang tagapangahoy at tagaigib ng buong mamamayan.” At ganito nga ang nangyari sa mga taga-Gibeon ayon sa sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
22Ipinatawag ni Josue ang mga taga-Gibeon at sinabi, “Bakit nʼyo kami niloko? Bakit nʼyo sinabing galing pa kayo sa malayong lugar pero taga-rito lang pala kayo malapit sa amin?
23Dahil sa ginawa nʼyo, isusumpa kayo: Mula ngayon, maglilingkod kayo bilang mangangahoy at tagaigib para sa bahay ng aking Diyos.”
24Sumagot sila kay Josue, “Ginawa namin ito dahil natatakot po kami na baka patayin nʼyo kami. Dahil nabalitaan po namin na inutusan ng Panginoon na inyong Diyos si Moises na kanyang lingkod, na ibigay sa inyo ang lupaing ito at patayin ang lahat ng nakatira rito.