5Nagsuot sila ng mga lumang damit at mga sandalyas na pudpod at tagpi-tagpi. Nagbaon sila ng matitigas at inaamag na mga tinapay.
6Pagkatapos, pumunta sila kay Josue sa kampo ng Israel sa Gilgal, at sinabi sa kanya at sa mga Israelita, “Pumunta kami rito galing sa malayong lugar para hilingin sa inyo na makipagkasundo kayo sa amin.”
7Ngunit sinabi ng mga Israelita sa mga Heveo, “Baka taga-rito rin kayo malapit sa amin. Kaya hindi kami maaaring makipagkasundo sa inyo.”
8Nagmakaawa sila kay Josue, “Handa po kaming maging lingkod ninyo.” Nagtanong si Josue sa kanila, “Sino kayo at saan kayo nanggaling?”
9Sumagot sila, “Galing po kami sa napakalayong lugar. Pumunta kami rito dahil narinig namin ang tungkol sa Panginoon na inyong Diyos. Nabalitaan din namin ang lahat ng kanyang ginawa sa Ehipto,