1Mula kay Judas na lingkod ni Hesu-Kristo at kapatid ni Santiago, Sa mga tinawag ng Diyos Ama na minamahal niya at iniingatan ni Hesu-Kristo:
2sumainyo nawa ang nag-uumapaw na awa, kapayapaan, at pag-ibig mula sa Diyos.
3Mga minamahal, nais ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, ngunit naisip kong mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang panindigan ang pananampalatayang ipinagkatiwala nang minsanan sa mga hinirang ng Diyos.
4Sapagkat hindi ninyo namalayang may mga taong sumapi sa inyong grupo na hindi kumikilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang mga aral tungkol sa biyaya ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kahalayan nila. Noon pa man ay nakatakda na silang parusahan dahil ayaw nilang kilalanin ang Panginoong Hesu-Kristo na ating Pinuno at Panginoon.