Judas 1

Ganyan din iyong mga taong sumapi sa grupo ninyo. May mga pangitain silang nag-uudyok sa kanila na mamuhay nang imoral. At dahil din sa mga pangitaing iyon, ayaw nilang magpasakop sa maykapangyarihan, at hinahamak nila ang mga makalangit na nilalang.

Jude 1:8 (UKJV) Likewise also these filthy dreamers defile the flesh, despise dominion, and speak evil of dignities.

6Ipinapaalala ko rin ang tungkol sa mga anghel na hindi nakuntento sa saklaw ng kanilang kapangyarihan at sa halip ay iniwan ang kanilang katayuan. Ikinulong sila ng Diyos sa napakadilim na lugar at ginapos ng mga kadenang hindi kailanman malalagot hanggang sa dakilang araw ng paghuhukom.

7Gayundin ang nangyari sa Sodoma at Gomora at sa mga karatig-bayan na nalulong sa lahat ng uri ng kalaswaan, pati na sa di-likas na pagnanasang seksuwal. Pinarusahan sila sa walang hanggang apoy bilang babala sa lahat.

8Ganyan din iyong mga taong sumapi sa grupo ninyo. May mga pangitain silang nag-uudyok sa kanila na mamuhay nang imoral. At dahil din sa mga pangitaing iyon, ayaw nilang magpasakop sa maykapangyarihan, at hinahamak nila ang mga makalangit na nilalang.

9Kahit si Miguel na pinuno ng mga anghel, noong nakipagtalo siya sa diyablo kung sino sa kanila ang kukuha ng bangkay ni Moises, hindi siya nangahas na humatol nang may panlalapastangan. Sa halip, sinabi lang niya, “Sawayin ka nawa ng Panginoon!”

10Ngunit ang mga taong itoʼy lumalapastangan sa mga bagay na hindi nila nauunawaan. Tulad ng mga hayop na hindi nag-iisip, wala silang ibang sinusunod kundi ang likas na hilig ng kanilang katawan na siyang nagdadala sa kanila sa kapahamakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.