8Nilusob ng lahi ni Juda ang Jerusalem at sinakop nila ito. Pinatay nila ang mga naninirahan doon at sinunog ang lungsod.
9Pagkatapos, kinalaban nila ang mga Cananeo na nakatira sa mga kaburulan, sa Negeb at sa mga kapatagan sa kanluran.
10Nilusob din nila ang mga Cananeo na nakatira sa Hebron (na nooʼy tinatawag na Kiriat-arba), at pinatay nila sina Sesai, Ahiman at Talmai.
11Mula sa Hebron, nilusob naman nila ang mga nakatira sa Debir (na nooʼy tinatawag na Kiriat-sefer).
12Sinabi ni Caleb, “Ibibigay ko bilang asawa ang anak kong si Acsa sa lalaking makakasakop sa Kiriat-sefer.”