26Ang taong itoʼy pumunta sa lupain ng mga Heteo, at doon nagtayo ng isang lungsod na tinawag niyang Luz. Ito pa rin ang pangalan nito hanggang ngayon.
27Hindi naitaboy ng lahi ni Manases ang mga nakatira sa Bet-sean, Taanac, Dor, Ibleam, Megido, at sa mga bayang nasa paligid ng mga ito dahil desidido ang mga Cananeo na manatili sa lupaing iyon.
28Nang maging makapangyarihan na ang mga Israelita, pinilit nila ang mga Cananeo na magtrabaho para sa kanila, pero hindi nila itinaboy ang mga ito.
29Hindi rin itinaboy ng lahi ni Efraim ang mga nakatira sa Gezer. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila.
30Hindi rin itinaboy ng lahi ni Zebulun ang mga Cananeo na naninirahan sa mga lungsod ng Kitron at Nahalol. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila. Ngunit pinilit silang magtrabaho para sa kanila.