Mga Hukom 1

Hindi naitaboy ng lahi ni Manases ang mga nakatira sa Bet-sean, Taanac, Dor, Ibleam, Megido, at sa mga bayang nasa paligid ng mga ito dahil desidido ang mga Cananeo na manatili sa lupaing iyon.

Judges 1:27 (UKJV) Neither did Manasseh drive out the inhabitants of Bethshean and her towns, nor Taanach and her towns, nor the inhabitants of Dor and her towns, nor the inhabitants of Ibleam and her towns, nor the inhabitants of Megiddo and her towns: but the Canaanites would dwell in that land.

25Kaya itinuro nga niya sa kanila, at pinatay nila ang lahat ng nakatira sa lungsod na iyon maliban sa taong nagturo sa kanila pati ang buong sambahayan nito.

26Ang taong itoʼy pumunta sa lupain ng mga Heteo, at doon nagtayo ng isang lungsod na tinawag niyang Luz. Ito pa rin ang pangalan nito hanggang ngayon.

27Hindi naitaboy ng lahi ni Manases ang mga nakatira sa Bet-sean, Taanac, Dor, Ibleam, Megido, at sa mga bayang nasa paligid ng mga ito dahil desidido ang mga Cananeo na manatili sa lupaing iyon.

28Nang maging makapangyarihan na ang mga Israelita, pinilit nila ang mga Cananeo na magtrabaho para sa kanila, pero hindi nila itinaboy ang mga ito.

29Hindi rin itinaboy ng lahi ni Efraim ang mga nakatira sa Gezer. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.