4Nang lumusob ang angkan ni Juda, pinagtagumpay sila ng Panginoon laban sa mga Cananeo at Perezeo. Umabot sa sampung libo ang napatay nila sa Bezek.
5Doon rin sa Bezek nila natagpuan at nilabanan si Adoni-bezek, at tinalo nila ang mga Cananeo at Perezeo.
6Tumakas si Adoni-bezek, pero hinabol siya ng mga Israelita at nahuli. Pinutol nila ang mga hinlalaki nito sa kamay at paa.
7Sinabi ni Adoni-bezek, “Noon, may pitumpung hari ang pinutulan ko ng hinlalaki sa kamay at paa at namulot sila ng mumo sa ilalim ng aking mesa. Ngayon, sinisingil na ako ng Diyos sa ginawa ko sa kanila.” At dinala nila si Adoni-bezek sa Jerusalem, at doon siya namatay.
8Nilusob ng lahi ni Juda ang Jerusalem at sinakop nila ito. Pinatay nila ang mga naninirahan doon at sinunog ang lungsod.