Mga Hukom 1

Sinabi ni Adoni-bezek, “Noon, may pitumpung hari ang pinutulan ko ng hinlalaki sa kamay at paa at namulot sila ng mumo sa ilalim ng aking mesa. Ngayon, sinisingil na ako ng Diyos sa ginawa ko sa kanila.” At dinala nila si Adoni-bezek sa Jerusalem, at doon siya namatay.

Judges 1:7 (UKJV) And Adonibezek said, Threescore and ten kings, having their thumbs and their great toes cut off, gathered their food under my table: as I have done, so God has requited me. And they brought him to Jerusalem, and there he died.

5Doon rin sa Bezek nila natagpuan at nilabanan si Adoni-bezek, at tinalo nila ang mga Cananeo at Perezeo.

6Tumakas si Adoni-bezek, pero hinabol siya ng mga Israelita at nahuli. Pinutol nila ang mga hinlalaki nito sa kamay at paa.

7Sinabi ni Adoni-bezek, “Noon, may pitumpung hari ang pinutulan ko ng hinlalaki sa kamay at paa at namulot sila ng mumo sa ilalim ng aking mesa. Ngayon, sinisingil na ako ng Diyos sa ginawa ko sa kanila.” At dinala nila si Adoni-bezek sa Jerusalem, at doon siya namatay.

8Nilusob ng lahi ni Juda ang Jerusalem at sinakop nila ito. Pinatay nila ang mga naninirahan doon at sinunog ang lungsod.

9Pagkatapos, kinalaban nila ang mga Cananeo na nakatira sa mga kaburulan, sa Negeb at sa mga kapatagan sa kanluran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.