Mga Hukom 10

Pinamunuan niya ang Israel sa loob ng dalawampuʼt tatlong taon. Nang mamatay siya, inilibing siya sa Samir.

Judges 10:2 (UKJV) And he judged Israel twenty and three years, and died, and was buried in Shamir.

1Pagkamatay ni Abimelec, si Tola na anak ni Pua at apo ni Dodo ang siyang namuno sa pagliligtas sa Israel. Mula siya sa lahi ni Isacar, ngunit tumira siya sa Samir sa kaburulan ng Efraim.

2Pinamunuan niya ang Israel sa loob ng dalawampuʼt tatlong taon. Nang mamatay siya, inilibing siya sa Samir.

3Sumunod kay Tola ay si Jair na taga-Gilead. Pinamunuan niya ang Israel sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon.

4Mayroon siyang tatlumpung anak, at ang bawat isa sa kanilaʼy may asnong sinasakyan. Ang mga ito ang namamahala sa tatlumpung bayan sa Gilead na tinatawag ngayon na bayan ni Jair.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.