Mga Hukom 10

Pagkamatay ni Abimelec, si Tola na anak ni Pua at apo ni Dodo ang siyang namuno sa pagliligtas sa Israel. Mula siya sa lahi ni Isacar, ngunit tumira siya sa Samir sa kaburulan ng Efraim.

Judges 10:1 (UKJV) And after Abimelech there arose to defend Israel Tola the son of Puah, the son of Dodo, a man of Issachar; and he dwelt in Shamir in mount Ephraim.

1Pagkamatay ni Abimelec, si Tola na anak ni Pua at apo ni Dodo ang siyang namuno sa pagliligtas sa Israel. Mula siya sa lahi ni Isacar, ngunit tumira siya sa Samir sa kaburulan ng Efraim.

2Pinamunuan niya ang Israel sa loob ng dalawampuʼt tatlong taon. Nang mamatay siya, inilibing siya sa Samir.

3Sumunod kay Tola ay si Jair na taga-Gilead. Pinamunuan niya ang Israel sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.