Mga Hukom 10

Tumawid din ang mga Amonita sa kanluran ng Ilog Jordan at nakipaglaban sa lahi nina Juda, Benjamin at ang sa sambahayan ni Efraim. Dahil dito, labis na nahirapan ang Israel.

Judges 10:9 (UKJV) Moreover the children of Ammon passed over Jordan to fight also against Judah, and against Benjamin, and against the house of Ephraim; so that Israel was sore distressed.

7Dahil dito, nagalit sa kanila ang Panginoon at pinasakop sila sa mga Amonita at mga Filisteo.

8At sa taon ding iyon, pinagdusa at pinahirapan nila ang mga Israelita. Sa loob ng labingwalong taon, pinahirapan nila ang lahat ng mga Israelita sa Gilead, sa silangan ng Ilog Jordan na sakop noon ng mga Amoreo.

9Tumawid din ang mga Amonita sa kanluran ng Ilog Jordan at nakipaglaban sa lahi nina Juda, Benjamin at ang sa sambahayan ni Efraim. Dahil dito, labis na nahirapan ang Israel.

10Kaya humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon. Sinabi nila, “Nagkasala po kami laban sa inyo, dahil tumalikod kami sa inyo na aming Diyos at sumamba sa mga imahen ni Baal.”

11Sumagot ang Panginoon, “Hindi baʼt noong pinahirapan kayo ng mga Ehipsiyo, Amoreo, Amonita, Filisteo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.