Mga Hukom 11

Nasakop nila mula sa Ilog Arnon hanggang sa Ilog Jaboc, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Jordan.

Judges 11:22 (UKJV) And they possessed all the coasts of the Amorites, from Arnon even unto Jabbok, and from the wilderness even unto Jordan.

20Ngunit hindi nagtiwala si Sihon sa kanila. Sa halip, tinipon niya ang mga sundalo niya sa Jahaz at nilusob ang mga Israelita.

21“Ngunit ibinigay ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, si Sihon at ang kanyang mga sundalo sa kamay ng mga Israelita. Kaya sinakop ng mga Israelita ang lahat ng lupain ng mga Amoreo na nakatira sa lugar na iyon.

22Nasakop nila mula sa Ilog Arnon hanggang sa Ilog Jaboc, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Jordan.

23“Ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ang siyang nagtaboy sa mga Amoreo at nagbigay ng kanilang lupain sa mga Israelita. At ngayon gusto nʼyo itong kunin?

24Angkinin nʼyo ang ibinigay sa inyo ni Cemos na inyong diyos. At aangkinin din namin ang ibinigay sa amin ng Panginoon naming Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.