19“Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero kay Sihon na hari ng mga Amoreo (na naghari sa Hesbon) upang hilinging payagan silang dumaan sa lupain ng mga ito upang makarating sila sa lugar nila.
20Ngunit hindi nagtiwala si Sihon sa kanila. Sa halip, tinipon niya ang mga sundalo niya sa Jahaz at nilusob ang mga Israelita.
21“Ngunit ibinigay ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, si Sihon at ang kanyang mga sundalo sa kamay ng mga Israelita. Kaya sinakop ng mga Israelita ang lahat ng lupain ng mga Amoreo na nakatira sa lugar na iyon.
22Nasakop nila mula sa Ilog Arnon hanggang sa Ilog Jaboc, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Jordan.
23“Ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, ang siyang nagtaboy sa mga Amoreo at nagbigay ng kanilang lupain sa mga Israelita. At ngayon gusto nʼyo itong kunin?