2Ngunit sinabi ni Jefta sa kanila, “Nang nakipaglaban kami sa mga Amonita, humingi kami ng tulong sa inyo. Ngunit hindi nʼyo kami tinulungan.
3Nang malaman kong hindi kayo tutulong, itinaya ko ang buhay ko sa labanan. At pinagtagumpay ako ng Panginoon. Ngayon, bakit ba gusto nʼyong makipaglaban sa akin?”
4Sumagot ang mga taga-Efraim, “Kayong mga taga-Gilead ay mga sampid lamang sa angkan ng Efraim at Manases.” Kaya tinipon ni Jefta ang mga kalalakihan ng Gilead at nakipaglaban sila sa mga taga-Efraim. At nalupig nila ang mga ito.
5Sinakop ng mga taga-Gilead ang mga lugar sa Ilog Jordan na tinatawiran papunta sa Efraim. Kapag may tumatawid dito, tinatanong nila kung taga-Efraim ba siya o hindi. Kung sasagot ito ng “Hindi,”
6pinabibigkas nila ang salitang “Shibolet”. Kung hindi niya ito mabigkas nang tama at ang pagkakabigkas nito ay “Sibolet”, huhulihin nila siya at papatayin sa may tawiran ng Ilog Jordan. May 42,000 taga-Efraim ang namatay nang panahong iyon.