Mga Hukom 12

Ngunit sinabi ni Jefta sa kanila, “Nang nakipaglaban kami sa mga Amonita, humingi kami ng tulong sa inyo. Ngunit hindi nʼyo kami tinulungan.

Judges 12:2 (UKJV) And Jephthah said unto them, I and my people were at great strife with the children of Ammon; and when I called you, all of you delivered me not out of their hands.

1Nagtipon ang mga sundalo ng Efraim, at tumawid sila sa Ilog Jordan, at pumunta sa Zafon upang harapin si Jefta. Nagtanong sila sa kanya, “Bakit hindi mo kami tinawag noong nakipaglaban kayo sa mga Amonita? Dahil sa ginawa mong ito, susunugin namin ang bahay mo habang nasa loob ka?”

2Ngunit sinabi ni Jefta sa kanila, “Nang nakipaglaban kami sa mga Amonita, humingi kami ng tulong sa inyo. Ngunit hindi nʼyo kami tinulungan.

3Nang malaman kong hindi kayo tutulong, itinaya ko ang buhay ko sa labanan. At pinagtagumpay ako ng Panginoon. Ngayon, bakit ba gusto nʼyong makipaglaban sa akin?”

4Sumagot ang mga taga-Efraim, “Kayong mga taga-Gilead ay mga sampid lamang sa angkan ng Efraim at Manases.” Kaya tinipon ni Jefta ang mga kalalakihan ng Gilead at nakipaglaban sila sa mga taga-Efraim. At nalupig nila ang mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.