Mga Hukom 12

Nagtipon ang mga sundalo ng Efraim, at tumawid sila sa Ilog Jordan, at pumunta sa Zafon upang harapin si Jefta. Nagtanong sila sa kanya, “Bakit hindi mo kami tinawag noong nakipaglaban kayo sa mga Amonita? Dahil sa ginawa mong ito, susunugin namin ang bahay mo habang nasa loob ka?”

Judges 12:1 (UKJV) And the men of Ephraim gathered themselves together, and went northward, and said unto Jephthah, Wherefore passed you over to fight against the children of Ammon, and did not call us to go with you? we will burn yours house upon you with fire.

1Nagtipon ang mga sundalo ng Efraim, at tumawid sila sa Ilog Jordan, at pumunta sa Zafon upang harapin si Jefta. Nagtanong sila sa kanya, “Bakit hindi mo kami tinawag noong nakipaglaban kayo sa mga Amonita? Dahil sa ginawa mong ito, susunugin namin ang bahay mo habang nasa loob ka?”

2Ngunit sinabi ni Jefta sa kanila, “Nang nakipaglaban kami sa mga Amonita, humingi kami ng tulong sa inyo. Ngunit hindi nʼyo kami tinulungan.

3Nang malaman kong hindi kayo tutulong, itinaya ko ang buhay ko sa labanan. At pinagtagumpay ako ng Panginoon. Ngayon, bakit ba gusto nʼyong makipaglaban sa akin?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.