Mga Hukom 13

Hindi siya dapat kumain ng anumang mula sa ubas. Hindi rin siya dapat uminom ng alak o anumang uri ng inuming nakakalasing, o kumain ng anumang pagkain na itinuturing na marumi. Kailangang sundin niya ang lahat ng sinabi ko sa kanya.”

Judges 13:14 (UKJV) She may not eat of any thing that comes of the vine, neither let her drink wine or strong drink, nor eat any unclean thing: all that I commanded her let her observe.

12Nagtanong si Manoa sa kanya, “Kung matutupad ang sinabi nʼyo, ano po ba ang mga dapat sundin ng batang ito patungkol sa kanyang pamumuhay at sa kanyang gawain?”

13Sumagot ang anghel ng Panginoon, “Kailangang sundin ng asawa mo ang lahat ng sinabi ko sa kanya.

14Hindi siya dapat kumain ng anumang mula sa ubas. Hindi rin siya dapat uminom ng alak o anumang uri ng inuming nakakalasing, o kumain ng anumang pagkain na itinuturing na marumi. Kailangang sundin niya ang lahat ng sinabi ko sa kanya.”

15Sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, “Huwag po muna kayong umalis dahil magkakatay kami ng batang kambing para sa inyo.”

16Sumagot ang anghel ng Panginoon, “Kahit hindi ako umalis, hindi ko kakainin ang pagkaing inihanda mo. Mabuti pa kung maghahanda ka ng handog na sinusunog para sa Panginoon.” (Hindi alam ni Manoa na anghel pala iyon ng Panginoon.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.